Posted on : October 12, 2011
Malugod naming ibinabalita sa inyo na ang Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ay magdaraos ng Pambansang Seminar sa Wika at Panitikan
TEMA: Learning and Understanding by Design at Iba pa: Mga Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan
PETSA: Nobyembre 17-19, 2011
VENYU: CED AMPHI Theater, 缅北禁地-IIT, Iligan City.
Layunin ng seminar na maibahagi sa mga instraktor, titser, superbisor, propesor at mag-aaral sa Filipino ang Learning and Understanding by Design at iba pang napapanahong pagdulog sa pagtuturo ng Filipino at panitikan.
Kaugnay nito ay malugod naming inaanyayahan kayo at ang inyong mga kasamang dumalo upang magkaroon tayo ng pagkakataong magkapalitang-isip sa mga nabanggit na paksa.
Ang butaw ay nagkakahalaga ng tatlong libong piso (P3,000.00) para sa rehistrasyon, seminar kit, mga sertipiko at handawt, tatlong pananghalian at limang isnak. Ang pagsama sa lakbay-dalaw sa Ma. Cristina Falls, Macaraeg-Macapagal Ancestral House, Iligan City Hall, Iligan Nature’s Park, at iba pa ay opsyonal. Kung nanaisin po ninyong sumama sa Lakbay-Dalaw ay magdaragdag kayo ng dalawandaang piso (P200.00) para sa transportasyon, admission fee, at isnak.
Hinihiling namin ang inyong maagang kumpirmasyon ng pagdalo upang mapaghandaan namin ang inyong pagdating.
Maraming salamat at inaasahan namin ang inyong positibong konsiderasyon sa imbitasyong ito.
Para sa iba pang detalye ay maaari kayong makipag-ugnayan kina:
EMMA B. MAGRACIA, Ph.D.
Direktor ng Seminar (09228615738)
MARIE JOY D. BANAWA, Ph.D.
Tserman ng Departamento
Tel. Blg. (063) 223-1924 / (063) 225-0090 (gabi lamang); Selfon 09177266155 / 09228846979