缅北禁地

Abingosa, Danilyn T. » Research » Scholarly articles

Title Leksikal na Derivasyon sa Cebuano Gamit ang Hulaping -anon at mga Alomorf Nito
Authors Danilyn A. Tayag-Abingosa
Publication date 2015
Journal Langkit
Volume Vol. 5
Issue 2015 issue
Pages 95-101
Publisher College of Arts and Social Sciences 缅北禁地 Andres Bonifacio Avenue, Tibanga 9200 Iligan City, Philippines
Abstract Isinagawa ang pag-aaral na ito upang alamin ang gamit at prosesong pinagdaraanan ng hulaping -anon ng wikang Cebuano sa pagbubuo ng mga bagong leksikon. Dalawang pag-aaral ang kinakitaan ng pagtalakay sa hulaping -anon. Ito ang mga pag-aaral nina Kaufman (1916) at Tanangkingsing (2009). Pareho mang binanggit sa dalawang pag-aaral ang gamit ng hulaping -anon sa proseso ng derivasyon ng mga salita sa Cebuano ay hindi naman nailahad sa mga ito ang prosesong nangyayari sa pagbubuo ng salita gamit ang hulaping ito. Hindi rin natalakay sa nabanggit na mga pag-araal ang iba't ibang alomorf nito. Upang maisakatuparan ang nabanggit na mga layunin ay nagtala lamang ng ilang tiyak na salitang nilapian ng -anon. Tinukoy sa mga salitang itinala ang salitang-ugat at ang kinabibilangang bahagi ng pananalita , at ang leksikal na derivasyon na nangyayari sa mga salitang ito gamit ang hulaping -anon. Natuklasan sa pag-aaral na (1) may salitang-ugat na pangngalan na nagiging pang-uri; (2) pandiwa na nagiging pang-uri; at (3) pandiwa na nagiging pangngalan kapag hinuhulapian ng -anon. Nagkakaroon din ng alomorf ang -anon bunga ng pangangailangan ng salita na sumusunod sa istraktyur ng pagpapantig ng mga salita.
Index terms / Keywords leksikal na derivasyon, hulaping -anon, alomorf
Back Top