缅北禁地

Sayon, Ivy V. » Research » Scholarly articles

Title Politikal na Pinoy Meme Bilang Kontra-Gahum
Authors Ivy C. Victorio
Publication date 2014/04
Thesis from the institution 缅北禁地
Abstract Pinamagatang Politikal na Pinoy Meme Bilang Kontra-Gahum ang pag-aaral. Pangunahing layunin nitong malikom ang mga politikal na Pinoy meme at malaman kung paano ito nabubuo at kinasangkapan bilang kontra-gahum. Inalam din ang mga isyung panlipunan at pampolitika na sinasalamin ng mga politikal na Pinoy meme. Sinikap sagutin sa pag-aaral ang sumusunod na suliranin: (1) Ano ang politikal na Pinoy meme? Paano ito nabubuo? (2) Paano ito kinasangkapan bilang kontra-gahum? at (3) Ano-anong isyung panlipunan at pampolitika ang sinasalamin ng politikal na Pinoy meme? Kwalitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral. Deskriptibong analitikal naman ang ginamit sa pagpapaliwanag at pagsusuri sa politikal na Pinoy meme na nakalap. Natuklasan sa pag-aaral na may siyam na paraan sa pagbuo ng politikal na Pinoy meme: (1) ang pagdaragdag ng teksto sa orihinal na larawan (2) paglikha ng bagong imahen (3) paghahanay ng mga larawan (4) paggamit ng diyalogo (5) pagsasama-sama ng mga larawan (6) pagbabago sa ilang bahagi ng larawan(7) paggamit ng larawan mula sa pelikula o iba pang midya (8) pagbabago sa orihinal na teksto at (9) paggamit ng popular na linya. Samantala, may apat na paraan naman kung paanong nagsisilbing kontra-gahum ang politikal na Pinoy meme: (1) ginagawang katatawanan ang politiko o kilalang personalidad o sitwasyon o gawain (2) tinutuligsa o pinupuna ang politiko o kilalang personalidad o sitwasyon o gawain (3) propaganda sa eleksyon at (4) pagpapaalala sa tao sa isang makasaysayang pangyayari. Sinasalamin din ng politikal na Pinoy meme ang iba脙垄脗聙脗聶t ibang isyung panlipunan tulad ng isyu sa pork barrel scam, Cybercrime law, ang balita sa 7.2 magnitude na lindol sa Bohol, pananalasa ng bagyong Yolanda, masaker sa Maguindanao, pagtaas sa singil ng kuryente ng MERALCO, budget cut sa state universities and colleges (SUCs), impeachment ni CJ Renato Corona at marami pang iba. Sa pangkalahatan, masasabing nagkalat na sa internet ang mga politikal na Pinoy meme.Kakikitaan ng pagiging malikhain ng isang tao ang pagbuo ng mga meme dahil sa iba脙垄脗聙脗聶t ibang paraan ng paggawa nito. Kinasangkapan din ito sa pagpapahayag ng tao ng kanyang sarili at sinasalamin nito ang mga kaganapang panlipunan at pampolitika sa Pilipinas. Nagiging instrumento ang politikal na Pinoy meme upang tuligsain at punahin ang mga taong nasa itaas na tulad ng mga politiko, pangulo ng bansa o mga taong sangkot sa malalaking isyu. Nagiging bagong uri ng protesta ang politikal na Pinoy meme sa mundo ng internet at nagsisilbi itong paalala sa mga makasaysayang pangyayari sa bansa at sa mga isyung dapat makisangkot ang mamamayan.
Back Top