Title |
Pagsasalin at Gender: Ang Pagsasafilipino ng Kuwento ni Paramata Gandingan Mula sa Wikang Meranaw |
Authors |
Alia Ramber, Chem Pantorilla |
Publication date |
2019 |
Journal |
The Mindanao Forum |
Volume |
32 |
Issue |
2 |
Pages |
83-104 |
Publisher |
Mindanao State University-Iligan Institute of Technology |
Abstract |
Tiningnan sa papel na mahalagang sangkap ang pagsasalin sa usaping gender lalo na kung ang materyales na isinalin ay produktong kultural ng isang etnikong pangkat. Pangunahing konsiderasyon nitong papel na talakayin ang ugnayan ng pagsasalin at gender mula sa ginawang pagsasalin ng kwento ni Paramata Gandingan, na bahagi ng epikong Darangen. Ginamit na balangkas ng pag-aaral ang lapit kultural (cultural turn) para mapatingkad ang kinis at alindog ng pagkapanitikan ng kuwento. Ipinakita ang pananaw-gender ng mga M脙芦ranaw sa pamamagitan ng pagtuon/pagpansin sa ilang panlipunang institusyon na direktang kakikitaan ng distingksyon ng babae at ng lalaking M脙芦ranaw. Batay sa isinagawang pagsasalin at pagsusuri sa kwento ni Paramata Gandingan, malaking papel ang ginagampanan sa pagpapanatili ng mga termino mula sa orihinal na wika. Makikita ang distingksyon sa pagitan ng babae at lalaki batay sa kung papaano sila tratuhin sa kanilang pamilya at sa lipunang kinabibilangan. Napatunayan sa pag-aaral na higit na napalulutang ang konsepto ng kasarian ng kulturang M脙芦ranaw sa halaga ng pagsasalin gamit ang lapit kultural at araling pagsasalin. Gayundin, sa proseso ng pagsasalin nagamit ang panunuring pampanitikan sa gawaing pagsasalin lalo na sa lapit gender na pagbasa. |
Index terms / Keywords |
Pagsasaling kultural, Talab ng panunuring pampanitikan, Paramata Gandingan, M脙芦ranaw gender |
URL |
|